The bestfriends's Story
...ng kalaban-laban dun iha, kung sakali.” Napatawa siya sa sinabi nito. “Yaya naman eh, para namang kakainin nila ako ng buo o kaya tadtarin ng pino! Kahit naman galit iyon sa akin hindi iyon masamang tao.” “Pero Melanie Chelsea.…” hirit pa sana ang kanyang Yaya na halos mamutla na sa pag-aalala. “Yaya, kaya kong pangalagaan ang sarili ko. Kaya huwag nyo na akong alahanin.” Pupuntahan niya si Derick anuman ang mangyari. She is sitting nervously in the bench. Gustuhin man niyang umalis na lang, hindi na niya magagawa pa. Nasisiguro niyang napaalam na ngayon ni Mang Kadio kay Derick na nandito siya. “Oh stupid me! Yaya was right, hindi ako dapat pumunta rito.” Bulong niya sa sarili. Ipinagsalikop na lamang niya ang dalawang palad para pigilan ang bahagyang nginig nito. “Dont be coward Menchie. Nandito ka na.” Kausap niya pa rin sa sarili. Baka kahit doon man lang ay mawala ang pag-aalinlangan niya. Muntik na siyang mapalundag nang maramdamang may nakatayo na sa kanyang likuran. Hindi na pala niya namalayan ang paglapit ni Derick sa kanya. Malalim siyang suminghap ng hangin at buong tatag siyang lumingon. “Derick, im here to….” simula niya sa balak sabihin. “Ahm, Senorita, pasensiya na po kayo. Kasi po ang sabi ni Sir Derick, wala daw po kayong appointment sa kanya. At marami raw po siyang ginagawa kaya hindi raw po niya kayo maaasikaso ngayon.” Alanganin at hiyang-hiyang sabi ni Mang Kadio. Akala pa naman niya si Derick na. Wala talaga itong balak na makipag-usap sa kanya. Suko hanggang langit pa rin talaga ang galit sa kanya ng kababata. “Sige po Mang Kadio, sa susunod na lang po.” Walang kabuhay-buhay niyang paalam rito. “Pero Senorita, ang sabi nga po pala ni Sir na iyong walang mga appointment sa kanya ay maaari niyang kausapin kapag hindi na oras ng trabaho. Kung makapaghihintay po kayo senorita, baka po puwede na mamayang tanghali o kaya mamayang hapon.” Dagdag ni Mang Kadio sa kanya. Hindi siya umimik. “Pagpasensiyahan nyo na lang po si Sir Derick ha Senorita Menchie. Marami lang po talaga siyang inaasikaso rito. Ngayon lang po kasi niya personal na naaasikaso itong rancho at taniman. Ngayon lang kasi iyan nauwi rito.” “Naiintindihan ko po Mang Kadio. At hindi po naman masama ang loob ko. At maraming salamat po.” “Hay naku senorita wala po iyon!” masaya nitong ganti sa kanya. Maya-maya lang ay nagboluntaryo pa itong ipasyal na lang siya para hindi naman masayang ang pagpunta niya sa taniman gayong hiindi naman siya kinausap ni Derick. Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay kanina pa pala sila tinitingnan ng binata. Kanina lang parang gusto niyang habulin si Mang Kadio para sabihing nagbago na ang isip niya. Na kakausapin na lang niya ang dalaga lalo na’t nag-iisa lang pala itong pumunta doon para makausap siya. Pero bakit nga ba niya gagawin iyon? Wala na silang dapat pang pag-usapan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Hindi! Kailanman! Chapter 4 “May lakad ka iha?” tanong ng kanyang Yaya Sallly. Kanina pa kasi siya paikut-ikot sa salamin. Hindi niya kasi mapagdesisyunan kung alin ang mas bagay, ang puti niyang walking shorts na bahagya lang pumatong sa tuhod niya o ang body hugging stretchable pants niyang kulay itim. Pinili niya ang huli at tinernuhan ng itim ding shirt. She looks like a cowgirl. Napangiti siya sa sarili. She can’t explain the radiance in her face. Para siyang teenager na excited na excited. She was born a princess and drank all the convenience that life has to offer. She had travelled from one country to another dahil sa mga offers sa kaniya. And she’s only 26 years old. So it’s ironic why she feels so empty inside back there in America. “Ahm may pupuntahan lang po ako Yaya.” “Eh tanghaling tapat na ah, mamamasyal ka?” gulat nitong tanong. Para kasi itong nagdadalagang hindi magkandatuto sa pagpili ng maisusuot. “Mamayang hapon na lang Menchie para hindi ka masyadong mainitan.” “Dont worry Yaya, may kakausapin lang naman akong tao eh.” Agad niyang sagot habang muling sinipat - sipat ang sarili sa full length mirror nito sa kuwarto. “O siya sige pero sana’y hindi sa Derick ang taong iyan dahil ayokong masaktan ka lang sa bandang huli.” Agap namang pagpaparinig ng kanyang Yaya pagkatapos ay tumalikod na. Naiwan naman siyang natitigilan. Natumbok kasi nitong kina Derick na naman ang punta niya. Bahala na. Ang mahalaga lang naman sa kanya ngayon ay ang mapatawad siya ng kaibigan. Iyon lang. “O Leslie iha, nandito ka pala!” magiliw na bati ni Mariel sa dalagang nabungaran. “Good Morning po Tita!” nahihiya pero magiliw ding bati ng dalaga. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ni Leslie and she cant suppress a sweet smile. Naaalala niya talaga ang kapanahunan niya, noong siyay kasing-edad lang nito. Maraming mga katangian si Leslie na maihahalintulad sa kanya. She used to be so innocent and shy and so is Leslie. “Bakit po Tita?” tanong ng dalagang lalo pa tuloy namula sa lantarang pagtitig niya rito. Napatawa na siya nang tuluyan. “Nothing iha. Oh ano kumain ka na ba? Tanghali na.” “Kakain po kami sa labas Ma. Then set out to stroll.” “Ah ganun ba,o sige na nga,kahit pa nga iiwan nyo na naman ako.” Napahagikhik ang dalaga sa kanyang sinabi. “Kung gusto nyo pong sumama Tita okay lang para naman mas masaya!” “Hay naku huwag na iha. Sige na ipinagtatabuyan ko na kayong dalawa.” Natatawang humalik na si Derick sa ina para magpaalam. Masaya siya sa nalamang lalabas ang dalawa. They need it to strengthen the relationship. Kung minsan kasi ay hindi niya na naiintindihan ang anak, halos isang linggo yata itong nawalan ng ganang lumabas. Batid niyang dahil iyon sa pagkikita nilang dalawa ni Menchie. Kagabi ay nakatulugan na nito ang pag-inom. Hindi naman niya alam kung bakit. Pero ngayon ay papasyal na. Napabuntung-hininga na lamang siya. Sumisikdo na naman ang kaba sa kanyang dibdib habang papalapit sa mansyon ng mga Guevarra. Kahapon hindi siya kinausap ni Derick dahil oras ng trabaho ngayon ay hindi na nito iyon maidadahilan sa kanya. They need to talk. Pinatigil niya ang kabayong sinasakyan at madaling itinali sa nakitang kahoy. Pinatuloy naman siya agad ng mga tagapag-alaga ng bahay. Halos hindi na siya humihinga sa kaba habang nakaupo sa maluwang na sala. Papihit - pihit siya sa pagkakaupo na parang hindi komportable sa inuupuan gayong sobrang lambot naman ng sofa. “Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo Menchie!” tinig ng isang ginang ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip habang nakaupo sa sala. Agad siyang napatayo sa kinauupuan nang mapagsino ang nagsalita. Nanginig ang tuhod niya. Parang hindi niya kayang harapin ang mismong ina ni Derick, ang kanyang Nanay Mariel. “Nan…Tita Mariel!” iyon lang ang nasambit niya sa kawalan ng masasabi. Tumitig sa kanya ang huli. Napayuko siya bigla. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Labis niya itong sinaktan noon. “I dont expect you to be here now…but I was really looking forward of seeing you again Menchie.” Mapang-unawa nitong sabi. Sapat na iyon para humarap siya ulit dito at doon din ay bumukal kaagad ang luha niya. Agad naman nitong inilahad ang kamay para palapitin at yakapin siya. “Tita im sorry!” napahagulgol niyang hingi ng pagpapatawad. “Ssshhh, its all over now iha. Tama na. Panahon na para kalimutan ang nakalipas. Kailangan na ninyong makalaya sa masakit na nakaraang iyon.” Umiiyak na rin si Mariel habang yakap si Menchie. Alam niyang may mabigat na rason kaya ito pumayag na isakdal si Derick. “Im sorry Tita. I have no choice. Kinailangan kong mamili.” “I know iha. I know. Tama na. Hindi naman ako galit. Kahit ang Tatay Rafael mo ay hindi rin galit sayo. Ipinapasabi pa nga niya sayong mahal ka raw niya at hindi ka niya sinisisisi sa lahat. Bago siya mawalan ng hininga ay hinanap ka niya at ginustong makita.” Lalo lang tuloy bumigat ang loob niya. Pero hindi mapagsidlan ang kaligayahan niya nang mga oras na iyon. Mahal talaga siya ng kanyang Tatay Rafael sa kabila ng lahat at pati na rin ng kanyang Nanay Mariel. “Salamat Tita. Salamat!” “Teka nga kanina ka pa Tita nang Tita ah. Nanay naman ang tawag mo sa akin dati diba?” Napatawa siya sa sinabi nito. “Opo Nay!” “O halika sa kusina’t kumain ka muna para na rin may kasabay akong mananghalian.” Mas masaya sana kong nandoon din si Derick kasama nila. Pero may lakad pala ito kasama ang isang Leslie. “Ah baka kaibigan lang niya ” sabi ng isip niya pagkatapos ay itinuloy na niya ang maganang pagkain habang nagkukuwentuhan. “Ma bakit nyo siya pinatuloy dito?” Derick furiously asked. Ibinalita ng kanyang ina sa kanya na nagkausap na sila ni Menchie at nagkahulihan pa ng loob. Kaya naman parang bomba iyong sumabog sa pandinig ng binata. “At anong gusto mong gawin ko iho,huwag siyang kausapin katulad ng ginagawa mo? Pigilin ko ang sarili kong makita at makausap siya, tulad ng gingawa mo sa sarili mo?Iyon ba Derick? “Ha! At nagsumbong pa pala sayo na hindi ko siya kinausap.” “At bakit nga ba hindi Derick? Bakit ayaw mo siyang kausapin?” tanong ni Mariel sa anak. “There’s no need for that Ma. Sa palagay nyo ba masisikmura kong makaharap ang babaeng iyon matapos niya akong…matapos niya akong..” hindi na niya magawang tapusin ang sinasabi dahil sa poot. Nasuntok tuloy nito ang marmol na dingding. “Derick, kalimutan mo na ang nakaraan. Huwag mong kalimutan na iyan ang pinakahuling habilin ng iyong ama sayo. Na huwag na huwag mong sisisihin si Menchie sa lahat. Pareho lang kayong wala pang muwang noon.” Paliwanag niya sa galit na galit na anak. “Maiwan ko na kayo Ma.” tumalikod na ang binata na nagtatagis pa rin ang mga bagang sa galit. Abala ang mga taga baryo nang umagang iyon dahil araw ng anihan. Himalang sabay na pupuwede ng anihin ang mga palay at tubo. Naengganyong tumulong si Derick sa nagsisipag-ani. Ngayong nabili na niya sampu ng mga ari-arian ng mga Dominguez noon hinding-hindi niya pahihirapan ang mga magsasaka. Binili niya agad ito sa pinagbentahan ng pamilya Dominguez. Siya na ngayon ang nagmamay-ari ng rancho, hacienda, taniman at iba pa. He had been very successful in his choosen field kaya siya nakaipon nang malaki. He had been the most wanted lawyer in town. Kung buhay pa kaya ang mga magulang ni Menchie, papayag na kaya ang mga itong maging kaibigan siya ng kanilang anak? He smiled sarcastically. He can feel the bitterness inside him. Noon isa siya sa mga nagtatanim at umaani sa mga tanimang ito. At namimiss na niya ang dati niyang ginagawa. Mahigpit na tumutol ang mga tagabaryo sa balak niyang pagtulong pero siya pa rin ang nasunod sa huli. Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang katawan nang biglang may umagaw ng atensiyon sa lahat. A very lovely woman was riding an almost golden white horse. She was like a fairy in her magical horse. She looks so young…carefree and very adorable. Napatigil tuloy ang lahat sa ginagawa at napatitig lang sa papalapit na dalaga lalo na ang mga kalalakihan na kasalukuyan sanang nag-aani. Then his brows meet nang makilala ang napakagandang sakay ng kabayo. God, its Menchie! Naging nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Lahat ay naghihintay sa maaaring mangyari sa muli nilang paghaharap. Tumigil nga ang kabayo sa mismong harap niya. She deeply stared at him with all those unexpressed emotions in her eyes. “D-derick!” simula ng mala-anghel na yatang si Menchie. Matigas namang hinarap ni Derick ang dalaga. He could feel his heartbeat racing. And damn his heart. Why would he feel like melting in front of her? “Im only giving you three minutes to say what you wanted to say. Then do me a favor, a favor for you to get out every inch of my way!” mahina pero matigas na sabi ni Derick sa kanya. “D-derick” She felt a sharp pain straight to her heart. Parang patalim na tmutusok sa kanya ang mga titig nito. Kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa sana siya nakablulagta sa harap nito. Pero naiintindihan niya. At nakahanda siya. “Your time is running out Ms. Dominguez!” “I would prefer to talk to you in private Derick” “I prefer not Ms. Dominguez! Wala akong panahon. Im not a carefree man at kalkulado lahat ng oras ko. Hindi ko iyon sasayangin sa pakikipag-usap sayo ng walang kuwentang mga bagay.” Diretso at nag-uuyam na sagot ng binata. “D-derick!” Shit! Bakit wala siyang ibang masabi sa harap nito. She felt so vulnerable in front of him. Hindi naman siya dating ganito ah. Never did she felt this way to any man before. But Derick is a different case…. God, he’s very handsome with all his sweat running over his body. He looks so male and masculine. In every movement his muscles flex tempting her to touch it. Pakiramdam niya pulang-pula ang mga pisngi niya sa naisip. Ngayon pa ba siya makakaisip nang ganoon, sa harap pa mismo nito at ng mga tagabaryo? Kainis. “Your three minutes is over Ms. Dominguez” maya-maya ay sabi nito sa kanya “The next time around, wear modest outfits Ms. Dominguez so you wont be distracting the farmers! You are now in the province not in the city, in case youve forgotten!” sabi nito sa baritonong boses na hayag na hayag ang pang-iinsulto. And God, it sounds like thunder breaking her apart! His voice is so electrifying. “D-derick!” “You may now go Ms. Dominguez!” iyon lang at tumalikod na ito. Talo pa ni Menchie ang sinampal sa ikinilos ni Derick. But surprisingly, wala man lang siyang naramdamang kahit na anong galit dito. Perhaps its because she understood him perfectly well. “Yaya, ayaw na talaga niya akong makausap. Galit na galit siya sa akin” umiiyak niyang sumbong sa kanyang yaya sa nangyari kanina. “Sinabi ko na naman sayo diba na hayaan mo na lang muna siya.” hinahagod-hagod nito ang kanyang buhok habang pinapatahan siya nito. “Hindi Yaya, hindi ako titigil. Nasimulan ko na ito. Kaya tatapusin ko. Gagawin ko lahat nang makakaya ko para mapatawad niya. Kailangang maibalik ko kung ano iyong nawala sa akin.” Buo ang loob na hayag niya. “Pero anong gagawin mo? Hindi naman puwedeng ipagtulakan mo na lang palagi ang sarili mo diba?” “He must have known me better Yaya! He must have known na hindi basta-basta sumusuko si Melanie Chelsea Dominguez.” Sagot niyang may binubuong plano sa isip. Hindi siya puwedeng balewalain na lang ni Derick nang ganun. “Nakakatakot ka namang bata ka!” palatak na lang ng kanyang Yaya. Sa isip ay di mawari kung bakit ganun na lang kasigasig ang kanyang alaga sa pagkuha ng pagpapatawad ni Derick. Kagigising pa lang ni Derick nang makaamoy nang caldereta. Its his weakness sa pagkain. Bumaba siya agad nang maramdamang nagrereklamo na ang kanyang tiyan. Mamaya na lang siya maliligo. “Manang Tasing, Mama, nasa kusina ba kayo? Kakain na ba tayo? ” tawag niya sa tagaluto ng mansiyon at sa kanyang mama. Walang sumagot kaya dumiretso na lang siya sa kusina. Matagal na rin siyang hindi nakakatikim ng kanyang paboritong pagkain. But he’s head over heels striken nang mapuputing hita at umbok na pang-upo ang sumalubong sa kanya. A goddess! Nagluluto ito sa kusina nila. Who could she may be? And those legs and perfect body….nakita na niya iyon….oh shit….its Menchie. How could he ever forget that beauty who haunted his nights. Nang maramdaman ni Menchie na may nakamasid sa kanya ay napabigla ang pagharap niya sa likod. “Why are you here!” nagngangalit ang mga bagang na tanong ni Derick sa natitigilang dalaga. This time hindi siya magpapatalo sa lalaki. She planned for this already kaya nga siya nandito diba? “Ask Nanay Mariel. We plan to experiment cooking. Nandoon pa nga siya sa palengke ngayon at namimili kasama si Manang Tasing. While I volunteered to cook for you. Maaga ka raw kasing nagigising.” taas noo niiyang sagot dito. Derick really is devilishly handsome! “Hah! Pardon please? Nanay Mariel?” he mimicked her with a tone of insult. Idiniin pa nito ang salitang Nanay. “I used to call her that way Derick and besides I have my permission to do so.” Naidalangin niyang sana’y maging matatag pa siya. Nasisiguro niyang ipapaalala na naman ni Derick sa kanya ang nakaraan. At ngayon pa lang ay parang matutunaw na siya sa hiya. “Oh really! Naaalala mo pa pala! Now im wondering how you managed to forget in the court that I didnt raped you and never had any intention to do so.” Kalmado pero puno ng galit nitong saad. May kung anong lambong ang dumaan sa mga mata nito. Napasinghap siya sa sinabi ng binata. Gustung-gusto na niyang maiyak sa harap nito. Pero hindi. Hindi dapat. “I dont care whatever you say Derick.” Iyon lang ang isinagot niya at tumalikod na upang kunwari ‘y ipagpatuloy ang pagluluto. Pero ang totoo’y naramdaman niya kasing namasa na ang mga mata niya. And she doesnt want Derick to notice it. Derick’s anger flushed. “Huwag mo akong tatalikuran Menchie. Akala ko ba nagkaintindihan na tayo kahapon. I asked you to spare my road. And now youre suddenly here cooking and acting like nothing had happened? Nananadya ka ba talaga ha?” nanggagalaiti na sa inis na tanong ni Derick. How could she possibly make him throb by just her stares? Tahimik siyang bumuntung-hininga tapos ay hinarap ito nang dahan-dahan. Kakayanin niya ito. Pagpihit niya paharap ulit sa binata ay nakahanda na ang pinakamatamis niyang ngiti. Sana naman maawa ito sa kanya. “Derick puwede ba, ang aga-aga nagagalit ka na? Kagigising mo pa lang diba? Maligo ka kaya muna para makakain na.” Lambing pa niya rito na parang bale wala lang sa kanya ang mga sinabi nito sa kanya. “Shit! I want you out of my sight. ” di nakatiis at umalis na lang si Derick at bumalik sa sariling kuwarto. Damn that woman! Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kakayanin ang pagpapaalala nito sa nakaraang labis niyang pinanghihinayangan at kinatatakutang balikan. “Im sorry Derick but im not going to spare you away!” sabi ng dalaga sa isip. “What is she doing here Mama?” bugnot na tanong ni Derick sa kararating pa lang na ina. Agad niya itong sinalubong. Mas lalo pang nadagdagan ang pagkairita niya nang muntik pa silang magkasabay ni Menchie sa pagsalubong sa kanyang ina. Their eyes met for seconds. His heart did a somersault. Her gaze retreated. “Why is she here Ma?” di mapalagay na tanong agad ni Derick sa ina. Agad niya itong tinanong tungkol sa kinaiinisang dalaga. “Derick, may usapan kami na magluluto ni Menchie!” sagot ng ina na parang natatawa na sa parang batang pagmamaktol ng anak. “What for Ma?” halos magdikit na ang kilay na tanong naman nito. “Nakalimutan mo na ba ang fiesta ng San Gabriel ha iho? Sa susunod na Linggo na iyon kaya ngayon pa lang eh maghahanda na kami ni Menchie nang puwedeng lutuin. Napagkasunduan kasi ng mga tagabaryo na iisa lang ang gagawing handaan at lahat ng mga kababaihan rito ang magluluto.” “Bakit si Menchie pa Mama?” “Derick, she’s a great cook. Marami siyang maituturo sa amin na iba’t-ibang putahe. Walang masama dun. At isa pa, gusto ko rin siyang makasama. She’s very open and bubbly yet very spontaneous.” “I saved her from those bandits yet she convicted me nang walang kasalanan. At nawala sa atin si itay dahil sa kanya. Kaya hindi ko halos maintindihan kung bakit ganun mo na lang siya kadaling napatawad Mama.” He angrily exclaimed. “Derick!” tanging nasambit ni Mariel. Gusto sana niyang ipagtanggol ang dalaga but she can see the pain in his son’s eyes. Naiintindihan niya si Derick the way she also understood Menchie. Lingid sa kaalaman ng mag-ina ay lihim palang nakikinig lang si Menchie sa kanilang dalawa. Hindi niya ugaling makiusyoso pero hindi niya mapigilang makinig sa dalawa. May kalakasan din kasi ang boses ni Derick. She wanted to cry dahil sa narinig. Tama nga naman si Derick. Kung sinabi lang sana niya ang totoo noon, baka buhay pa sana si Tatay Rafael ngayon. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. Napakasakit isiping siya mismo ang nagturo sa pinakamatalik niyang kabigan na kalimutan siya sa alaala nito. Pero hindi pa rin siya susuko. Nagsisimula pa lang siya. Lahat ng narinig niya ngayon at lahat ng pait ay kasali lamang sa mga bagay na dapat niyang tanggapin upang mabayaran man lang kahit kaunti ang mga kasalanan niya kay Derick at ng pamilya nito. Hindi niya rin kasi dapat binigla si Derick. Kaya tuloy galit na galit. Sa susunod, gagawa siya ng mas magandang plano. Pasasaan ba’t matatanggap din siya nito ulit. Sana maibalik pa niya sa dati ang lahat. Sana. Pero kailangan muna niyang maiyak ang sarili. Baka bigla na lang siyang bumunghalit ng iyak sa harap ni Nanay Mariel. Masakit pa rin kasi talaga iyong narinig niya lalo na’t galing mismo sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Naihain na niya ang nalutong caldereta kaya aalis na lang muna siya. Baka mas magalit pa lalo si Derick. Baka mag-away lang ang mag-ina dahil sa kanya. Hindi na lang muna siya magpapaalam. Magdadahilan na lang siya sa mga tagalinis ng mansiyon. CHAPTER 5 Masayang-masaya si Menchie nang makita ang kabuuan ng tree house na mas pinalaki at mas pinaganda niya. Para iyong isang kastilyo na gawa sa kahoy. It was really like a castle sa istilo nito. Hindi naman talaga ito binago, dinagdagan lang. Ayaw niya itong baguhin dahil mahal niya ang bawat anggulo ng treehouse. May idinagdag lang siya para mas lalo itong kaakit-akit at mas matibay. Habang nakadungaw siya sa bintana, naalala niya ang di niya na yata makakalimutang yugto ng kanyang buhay. “Derick please itakas mo na ako! Ayoko nang umuwi sa amin. Pagod na pagod na ako sa katatakas. Hindi na nila ako papayagang makipagkita sayo ulit kahit kailan. Dadalhin na nila ako sa America.” Umiiyak na sumbong ng labinlimang taong si Menchie. Dala-dala pa nito ang mga malalaking bag sa likod. “Menchie, hindi maganda iyang iniisip mo. Halika na,iuuwi na kita.” Kahit nasasaktan sa ibinalita nitong balak ng mga magulang na pagpunta sa America, mas pinili pa rin nitong sundin kung ano ang tama. “Ayoko. Kung ayaw mo akong ilayo, ako na lang mag-isa ang aalis” galit niyang tugon saka binirahan ng baba sa treehouse. Kaya nga siya tatakas dahil dito eh tapos hindi pala siya nito tutulungan. “Menchie bumalik ka rito. Menchieeeee” sigaw ni Derick Hindi na siya nito nagawang abutan nu’n pero sa puso niya alam niyang hindi ito tumigil sa paghahanap sa kanya. Disoras na ng gabi noon at wala pa rin siyang tigil sa paglalakad , hindi alam kung saan pupunta. Sa malas ay parang uulan pa ng malakas, hindi maganda ang timpla ng panahon. Hindi na niya alam kung anong lugar na ang kanyang nasuungan. Wala siyang pakialam. Ang mahalaga mapatunayan niya sa mga magulang na nagrerebelde siya. Ipagbawal na nila sa kanya ang lahat, pero huwag lang siyang tuluyang ilayo kay Derick. Ibang usapan na iyon, hindi niya iyon kaya. Ayaw niyang malayo sa bestfriend niya. May narinig siyang mga kaluskos sa di kalayuan at naisipang pumunta para makahingi ng tulong. Ngunit laking takot niya ng makitang isang grupo pala ng mga kalalakihan ang nandoon. Gusto niyang bumalik pero huli na dahil nakita na siya ng mga ito. “Wow pare, may ganito pala kaganda rito sa probinsiya?” komento ng isang lalaking may suot pang cap na pinakaunang lumapit sa kanya. “Oo nga, talo pa ng batang iyan ang mga kolehiyala sa atin ah.” Dagdag pa ng isang tabaing kasama nito. “Ilang taon ka na ba Miss? Tanong ng pinakabata yata nilang kasama “Uuwi na ako. Paraanin nyo ako. Wala akong panahong makipag-usap sa inyo.” Galit niyang sagot kahit sa loob ay nanginginig na siya sa takot “Wow suplada!” sugsog naman ng isa pang payatot na may pingas pa sa pisngi. “Halika nga!” sabay hila ng nakacap na lalaki sa kanya. Ang iba naman ay patawa-tawang sinunggaban ang mga gamit niya. “Bitiwan nyo ako, bitiwan nyo ako ano ba!” iniindayan niya ng kalmot ang bawat mahawakan. Kaya napapadaing ang mga ito. Nagalit na nga ng tuluyan ang mga di kilalang lalaki. Sinuntok siya ng mga ito sa ibat-ibang parte ng katawan upang manghina siya at di na makapanglaban pa. Pagsasamantalahan na sana siya ng mga ito nang may biglang mga kaluskos itong narinig sa paligid. Natakot bigla ang mga walanghiya sa akalang marami ang nagsisidatingan. Kaya nag-uunahan ito sa pagtakbo sa takot na baka mahuli at ikulong sa balak sanang gawin sa kanya. Labis mang nanghihina ay nagawa pa rin niyang makilala ang taong sumagip sa kanya at walang iba kundi ang kanyag ipinaglalaban - si Derick. “Menchie” narinig niya ang malakas na tawag nito sa kanya kahit parang nanlalabo na ang kanyang pandinig. Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. “D-derick” mahina niyang usal. “M-mabuti dumating ka. T-tingnan mo, sinaktan nila ako at balak pa nila akong gawan ng masama. I-ikaw kasi ayaw mo pa akong itakas.” Pautal-utal niyang sumbong rito at kahit mahinang-mahina na ay nagawa pa ring manisi “Mga hayop na iyon, mapapatay ko sila sa ginawa nila sayo. Mga hayop,mga walanghiya!” di magkamayaw ang galit sa dibdib ni Derick. Bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. “Bakit ngayon pa umulan!” inis na sabi nito na mabilis na itinago si Menchie sa mga bisig para kahit papaano’y hindi masyadong mabasa. “U-umalis na tayo D-derick. Sasama naman ako sayo kahit saan eh. Kahit anong mangyari at kahit gaano kalayo sasama ako sayo.” Madamdamin niyang amin. Ewan ba niya pero totoo ang sinabi niya rito. Ayaw na niyang mawalay pa sa pinakamatalik na kaibigan. Mahal na mahal niya ito. “Pasensiya ka na Mechie, pero hindi tama ang gagawin mo, ang gagawin natin. “ Habang papalakas ang buhos ng ulan, papahigpit naman lalo ang yakap nito. “Halika na. Kailangang magamot ka kaagad. Halika na. Kakargahin na kita. Iuuwi na kita sa inyo.” “Derick ayoko please, dalhin mo na lang ako kahit saan huwag lang sa bahay”. pagsusumamo niya rito. “Halika na!” Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod na lang rito. Kahit nung iuwi siya nito sa bahay ay napaluha na lang siya bilang protesta. Nakapasok sila nang di namamalayan ng kahit sino sa Villa. Doon sila dumaan sa tagong daan papasok. Isa iyong sekretong daan paloob at palabas nang hindi na kailangang dumaan pa sa gate. Nadiskubre niya ito noon minsan nang maglaro sila ng taguan ng kanyang yaya. Wala siyang sinabihan kahit sino, kahit pa nga ang Yaya niya. Siya lang at si Derick ang nakakaalam ng daang iyon. Pagkapasok sa kuwarto ay agad siya nitong pinunasan ng tuwalya. Pareho na silang basa noon at labis na talagang sumasakit ang mga pasa niya sanhi ng pagbugbog sa kanya ng mga walanghiya. “Kailangan mo agad magpalit ng damit Menchie! Lalagnatin ka niyan atsaka gagamutin pa natin iyang mga sugat at pasa mo.” “Hindi ko na kayang kumilos Derick! Bukas na lang.” Mahina niyag usal “Hindi maaari!” agad naman nitong tutol Iyon lang at kinumutan na siya nito mula leeg hanggang paa. Napadilat siya sa naisip na gagawin nito. Pakiramdam nya ay namumula siya. Bibihisan siya nito. Dahan-dahan ngang hinubad ng kababata isa-isa ang kanyang mga saplot. Hirap na hirap ito sa ginagawa dahil nga nakakumot siya. Kung paano nito nagawang alisin ang mga damit niya nang ganoon na wala itong nakikita at nakakapa sa kanyang katawan ay hindi na niya alam. Basta’t alam niyang ingat na ingat ito sa ginagawa. Ayaw nga yata nitong dumaplis ang kamay nito sa kanyang balat. Kakatwa naman ang nararamdaman niya nun. Para siyang nakalutang sa ere at parang ang init init ng paligid gayong alam niyang ang lakas ng buhos ng ulan. Malalim itong napabuntunghininga matapos nitong maalis ang lahat ng kanyang damit. Inayos pa nito ang pagkakakumot sa kanya pagkatapos ay humakbang na palayo sa kanya. Natuliro na yata ang batang puso nya ng makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Parang may nakikita siyang damdaming ngayon lang niya nakita sa mga mata nito. Parang bigla silang nadala sa dako pa roon ng magkatitigan sila. “D-derick huwag mo akong iwan.” Pagsusumamo niya rito na may mga butil na ng luha ang mga mata Hindi rin nakatiis at pabiglang lumapit ulit si Derick at ubod higpit siyang niyakap. Tahimik lang ito but she can feel his heart beating fast. Her heart almost break. Niyapos din niya ang kaibigan nang ubod higpit. Napahagulgol na talaga siya ng iyak. Kailangan niya ito sa buhay niya higit kailanpaman. Laking gulat nila nang bigla na lang bumukas ang pinto. Sa ganoong eksena sila dinatnan ng kanyang mga magulang. Dala ng matinding takot at panghihina tuluyan na siyang nawalan ng malay. Hindi niya namalayang naiiyak na pala siya sa pagkaalala sa kahapong iyon. Kung sana’y itinakas na lang siya ni Derick. Kung sana’y dinala na lang siya nito kahit saan….kahit saan basta’t magkasama lang sila. Sawang-sawa na siya sa bahay niya nun. At nagiging masaya lang siya kapag kasama niya ang kababata. He was everything to her before….and until now. Pero bakit nga ba ganun? “Dumalo ka sa sayawan ha iha!” ani Mang Kaloy sa kanya habang nag-uusap sila. Nagpasya kasi si Menchie na bisitahin ito. “Sayawan po?” “Nakalimutan mo na bang palaging may sayawan sa baryo kapag fiesta? Ang mga kabataan pa nga ang nag-aasikaso niyan palagi.” Nagmamalaking saad ni Mang Kaloy. “Ay oo nga pala no?” excited niyang tugon. Hindi pa siya kahit kailan nakapanood sa fiesta ng San Rafael dahil ayaw ng mommy at daddy. Gusto man niyang sumama sa mga ito ayaw naman siyang payagan. Dumadalo ang kanyang mga magulang noon dahil sila ang palaging punong panauhin since they own half of the entire property ng San Gabriel at sila rin ang may pinakamalaking kontribusyon para sa salu-salo. “Sige po, asahan po ninyo ako du’n!” masaya niyang tugon. Excited siya sa sinasabi nilang sayawan. Well, she had gone to party houses and disco pubs in America during her time of rebellion. Kaya gusto niyang maexperience kung ano ang mayroon sa isang sayawan sa bayan. Tama at magkikita na naman sila ni Derick. How she missed his handsome face. Kulang na lang ay magkukumahog siya sa pagpunta sa mansiyon ng mga Guevarra. Pero hindi na niya gagamitin ang kanyang Nanay Mariel para makita lang ito. Ayaw na niya itong isali sa gulo nina Derick. She would prepare for that moment. Chapter 6 Napakasaya nga ng buong fiesta sa San Gabriel. Lahat ay nabusog at sadyang natuwa sa lahat. Gusto sanang puntahan ni Menchie si Derick para batiin pero sadyang iniiwasan siya nito. At isa pa, napakaraming gustong makipagkilala at makipagkaibigan sa kanya na taga-Maynila pa ang karamihan. May ibang inaalok siyang maging artista. Ang iba naman cover sa isang magazine. Others said she looks so familiar. Marahil nakabasa ang mga ito ng mga magazines niya. Kung alam lang ng mga itong sawang-sawa na siya sa ganyang buhay. She had been a fashion model in almost all her life. She just want a simple life here in San Gabriel. This is her home. And she want to be Derick most of all. “Wow ang ganda-ganda mo talaga iha!” bulalas ng kanyang yaya pagkakita sa kanya habang nakasuot ng bestidang hapit sa kanyang katawan. It was a white satiny dress inspired by delicate lacy fibers around. Bagay na bagay sa kanya ang simple pero may halong pangeengganyong istilo ng kanyang damit. May kalaliman ang uka nito sa dibdib pero wala namang makikita kahit ano. She had once worn this in San Francisco for a semi-formal fashion show. And she know she looks so wonderful. Hindi na umabot sa tuhod ang haba nito. Ang totoo hindi talaga siya mahilig noon sa bestida hindi kasi iyon uso sa States. Pero parang gustung-gusto niya na ito ngayon. She’s definitely fond now of wearing whole dress style. Para kasing komportableng - komportable siya. Itinaas niya ang kanyang hanggang balikat na buhok pinning it in a classic way giving her a sweet yet mysterious aura. “Yaya talaga!” medyo nagblush pa niyang saway dito “Hay naku, ilang boyfriend na ba mayroon ka sa America ha iha?” “Huwag na nga nating pag-usapan iyan Yaya!” “Ay sus, tong batang to! O siya sige pumunta na tayo dun at handang-handa na rin ako.” sagot nitong nagpahid pa ng kaunting foundation sa mukha. Napatuon lahat ng mga mata sa kararating pa lang na si Menchie. She looks so simple and classic yet so elegant and confident. Parang nabibingi na nga siya sa mga papuri. Magaling daw siyang magluto, napakaganda niya, ang kinis ng balat niya, ang bait-bait niya at iba pa. All she could do is to give them her sincerest smile. Inilibot ng dalaga ang mga mata sa kabuuan ng sayawan. Maganda ang pagkakalagay ng mga dekorasyon sa paligid. At napakaraming mga mesa at upuan sa tabi. Sadya namang iniwang bakante ang gitna para sa mga sasayaw. “Menchie iha…mabuti’t nandito ka na.” Maagap namang salubong ni Mang Kaloy “Magandang gabi Mang Kaloy.” Excited niyang bati rito. “Ganun din sayo iha! Ang ganda-ganda mo talagang bata ka. Hay naku.” Natatawa nitong sabi pagkatapos siyang hagurin ng tingin. Mahigpit ko ngang pinaaalahanan ang mga tagabaryo kanina na huwag sasabihing isa kang modelo kapag may nagtanong. Kasi nasisiguro kong magdadagsaan ang mga producers at managers dito.” Napapailing nitong sabi. Then a car stopped. “Oh nandito na pala sina Derick!” sambit ni Mang Kaloy. Kumabog agad ang dibdib niya nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Parang may kung anong naghahabulan yata sa tiyan niya. She’s starting to feel nervous and awkward. Bakit ba ganito na lang palagi ang nagiging reaksiyon niya kay Derick? She never had behaved this way before. “Sila na po ba iyan Mang Kaloy?” medyo nag-aalangan niyang tanong. Hindi naman nalingid sa kausap ang naramdaman niyang kaba. Kinuha nito ang kanyang kaliwang palad. “Huwag kang matakot iha…..Lakasan mo ang loob mo. Harapin mo si Derick sampu ng galit niya sayo. Alam kong hindi ka niya matitiis habambuhay.” Lumamlam ang anyo niya. “Opo Mang Kaloy! Salamat.” Huminga siya nang malalim at pinayapa ang sarili. Naunang umibis sa sasakyan si Derick. God! He’s so dashing with his semi-formal attire. He looked so authoritative and powerful lalo na kaya kapag nakasuot na ito ng lawyer’s suit. He’s so neat and fresh. Parang ang bango-bango tingnan. Nasisiguro niyang bago lang itong paligo. Bakit ba ang guwapo-guwapo niya? Very lean and masculine. Pagkatapos ay bumaba na rin ang kanyang Nanay Mariel after he opened the door for her. But Derick still open the other door. Who could it be? Then a beautiful maiden stepped out. Inialay pa ni Derick ang kaliwa nitong braso to assist her as if afraid she might lose her balance. Then she smiled sweetly with the gesture. They stared at each other for awhile then glance at the dance hall together. Parang may bumundol yatang kung ano sa puso niya. That was a very sweet scene between Derick and the woman beside him. Who is she? Ipinilig niya ang ulo nang makitang palapit na pala sa kinaroroonan niya ang mga ito. Nagmamadaling lumapit ang kanyang Nanay Mariel nang makita siya. Kumaway pa ito sa kanya at iniwan ang mga kasama. She forced to give a smile kahit parang….parang nawalan yata siya ng lakas. “Oh you look so gorgeous Menchie! Youre so lovely tonight, ah well, lagi naman!” puri ng ginang sa kanya. “Same to you Nay! You look five years younger than your age.” Komento naman niya pagkatapos sipatin ang suot ng kausap. At totoo talaga sa loob niya ang papuring iyon. She looks glowing and happy. “Oh well, a pleasure to hear that from the prettiest model in town!” Naputol ang pag-uusap nila nang may magsalita na sa mikropono. Magkatabi silang naupo nito. Hinanap niya ang kanyang Yaya Sally. Nakita niya ito sa umpukan ng mga ginang sa baryo at masayang nakikipagkuwentuhan. Pormal ng inanunsiyo ang simula ng sayawan. She looked at Derick’s direction. Nakahanap na pala ito ng mesa sa may di-kalayuan. Magiliw itong nakikipag-usap sa mga dating kaibigan sa baryo. His right arm is on the woman’s shoulder. Parang handang-handa itong protektahan ang katabi anuman ang mangyari. Bakit ka ba nakaakbay sa kanya Derick? Bakit? Pumailanlang ang napakagandang musika. It seems to invite everybody for a sweet dance. Parang tuluyan na yata siyang nawalan ng gana nang magsalita ang acting host. “May I call on Mr. Derick Guevarra and Ms. Leslie Sanchez to start the dance?” tanong nito na may halong panunudyo. Parang gusto niyang batukan ang acting host ah. Sigawan naman ang mga tagabaryo bilang pagsang-ayon sa iminungkahi nito. Nagkatinginan naman ang mga tinawag. “Let’s give the wonderful pair a round of applause!” Lumikha ng ingay ang naging palakpakan ng mga tao. But why does she feel so silent and empty? Leslie pala ang pangalan niya. At kung ibabase niya sa reaksiyon ng mga tagabaryo, nobya siya ni Derick. The pair slowly walk in the middle of the hall with all their smiles kahit mukhang nabigla sa iminungkahi ng announcer. Menchie closed her eyes when they started to dance in a romantic way. Kailangan muna niyang makaalis sa lugar na ito. Kahit sandali lang. She need to breathe. Para kasi siyang nasasakal. Her tears are threatening to flow. Her feelings are confusing her to death. Nagdahilan siyang kukuha lang ng maiinom sa kanyang Nanay Mariel. Then she run as fast as she could. Para siyang hinahabol ng kung ano. Parang may gusto siyang takasan muna. Kanina pa hinahanap ni Derick ang mukhang iyon. Nandito lang ito kanina katabi ng nanay niya. Where could she possibly been? Menchie was the most beautiful thing he had ever seen. Palihim lang niya itong tinititigan kanina. Gusto niyang makita ang mga pagbabago nito. And she simply have grown to be so adorable. But still that doesnt change the fact that she almost ruined his life! Nang mapagod sa kakatakbo, napaluhod si Menchie sa lupa. Bumigay ang mga tuhod niya. Saka niya naalalang nakahigh heels nga pala siya. At sa mabilis at walang tigil niyang pagtakbo kanina, di malayong magkasugat siya sa paa. Napangiwi siya sa sakit nang maramdamang may humapdi sa may bandang paa niya. Bahagya na ring nanginig ang kanyang mga binti. Ano ba kasing pumasok sa utak niya’t bigla na lang siyang nagtatatakbo palayo sa sayawan. Hindi pa nga siya nagpaalam sa Yaya niya’t baka hinahanap na siya ngayon. Bumalik na lang kaya siya sa sayawan. Oh stupid! Ni hindi na nga niya masyadong maigalaw ang mga binti eh. Paano pa siya makakabalik dun. Teka nasaan na nga pala siya? Atsaka mas matitiis pa yata niyang manakit ang kanyang buong katawan kaysa makita si Derick at si.. Leslie. Bakit? “Naku nasaan na ba si Menchie ko?” nagpapanic na hayag ng Yaya Sally “Nagpaalam lang naman siya sa akin kanina na kukuha lang ng maiinom Sally!” sagot naman ng Nanay Mariel. Kinakabahan na rin ito para sa dalaga. Kanina pa natapos ang palatuntunan sa sayawan pero hanggang ngayon hindi pa nila makita si Menchie. “Baka nauna na pong umuwi si Senorita Menchie Sally?”dagdag ng isang ginang. Pati ang mga tagabaryo ay nag-aalala na rin para sa dalaga. Dapat sana’y nagsipaguwian na ang mga ito pero sabay ding nakipaghintay sa kanilang dalawa. Sabay ding nag-aalala. “Hindi. Nagpapaalam naman ang batang iyon eh.” Samantalang si Derick naman ay tahimik lang sa kanyang mesa. “Derick, nasaan na kaya siya?” tanong ni Leslie sa nobyong kanina pa hindi umiimik sa upuan. “Don’t worry about her. She’s a strong woman and clever too. Alam niya kung paano dadalhin at pangalagaan ang sarili niya.” He murmured calmly “Pero matagal din siyang nawalay dito. Nasisiguro ko namang hindi pa niya ulit nalilibot lahat ng parte ng San Gabriel. Baka naligaw siya.” Hindi umimik si Derick. Tumingin lang ito sa kawalan at parang napakalalim ng iniisip. “Come on Leslie, iuuwi na kita.” Biglang tugon ni Derick matapos ang ilang sandali. “Ihahatid muna kita sa inyo. Then ill see what I can do for that unpredictable woman.” Walang gatol nitong hayag Nagpakawala ng isang ngiti si Leslie. Deep inside her, alam naman niyang hindi talaga matitiis ni Derick si Menchie. She used to be his bestfriend. At marami mang magbago sa Derick na kilala niya, she know that Menchie’s place will be constant. “Ang bait talaga ng boyfriend ko!” malambing niyang saad dito Pero naisip din niya bigla, siya kaya, magiging permanente rin kaya sa puso ni Derick? May pumitik na kaunting takot sa puso niya ang tanong na iyon. Kanina pa nag-iisip si Derick kung saan niya maaaring hanapin si Menchie. Ganitong-ganito rin iyon dati. Noon, sobrang hilig ni Menchie na maglayas. Hindi uuwi sa kanila. At palihim agad siyang pupuntahan ni Yaya Sally para ipaalam na nawawala na naman ang kanilang Senorita. Siya naman ‘tong gago, tutulong agad sa paghahanap at baka kung mapaano na ang babae. Pero iba na ngayon. Pinagbago na sila ng panahon. At magkahiwalay na sila ng landas. Pero bakit nandito siya ngayon at alalang-alala pa rin sa babae tulad ng dati? Naaalala pa niyang ang treehouse agad ang pinakauna niyang pupuntahan sa paghahanap rito. At suwerte namang palagi niyang nadadatnan dun si Menchie. Kung minsan nadadatnan niyang umiiyak at nakadungaw lang sa bintana. Pero kadalasan nadadatnan niya itong natutulog. Ewan ba niya pero sadyang hindi takot sa dilim ang bestfriend niya. Mas gusto nga nitong maglayas pag gabi gayong kalimitan naman ay wala ang mga magulang nito sa Villa pag umaga dahil may inaasikaso. Hindi naman naglalayas ng umaga, tinitiyempong gabi para raw hindi siya mahanap ng Mommy at Daddy niya dahil madilim. “Tama!” biglang giit sa isipan niya. Noon sa tuwing maglalayas si Menchie, didiretso kaagad iyon sa treehouse kapag wala pang naiisip na mapupuntahan. At doon niya ito palaging natatagpuan. Mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa direksiyon ng ilog. Pero hindi na niya ito magagamit pagdating dun. Dahil hindi na mapapasukan ng sasakyan ang bandang iyon lalo na ang papuntang treehouse. Kailangan niyang maglakad. Napaigtad si Menchie nang maramdamang hindi yata siya nag-iisa sa treehouse. And something in the air also changed. It suddenly became disorienting. Bigla siyang napamulat on instinct nang maramdamang may nanonood sa kanya. Oh God! Si Derick ba ang nakikita niya ngayong nakatitig sa kanya? “Oh stupid!” saway niya sa sarili. Nananaginip lang pala siya. Pero okay lang, dahil kahit sa panaginip pala, nakakatulala pa rin ang kaguwapuhan ng bestfriend niya. She closed her eyes again and flushed a sweet smile. Ayaw na niyang magising. “Who’s stupid?” biglang sabi ng isang baritonong boses. A shudder ran through her. Teka lang, parang totoo na iyong boses na iyon ah. But still she didn’t opened her eyes. Paano kung panaginip pa rin iyon tapos pag nagmulat siya mawala si Derick. “Wake up sleepy head!” parang inis nitong dagdag “No! It can’t be true” sigaw ng isip niya. She felt her stomach spinning. “Menchie! Hinahanap ka na nila. Huwag ka ngang matulog dito. Halika na iuuwi na kita. Alam mo bang masyado mo na akong naiistorbo.” Patuloy pa rin ng baritonong boses na iyon. Parang bagot na bagot na ito. “D-derick?” she nervously asked still not opening her eyes. Natatakot siya. “Sino pa ba sa akala mo?” marahas nitong sagot pagkatapos ay pabigla siya nitong kinarga. Oh my! Doon na siya tuluyang napamulat. At hindi pa rin niya mapaniwalaang si Derick nga itong kasama niya. And worst is, karga-karga pa siya pababa ng treehouse. Napakapit siya sa balikat nito sa takot na mahulog. She could feel her cheeks blushing at the touch of their skin. Malalim siyang napasinghap dahil parang nahihirapan siyang makahinga. God, nagririgodon ang puso niya. Buti na lang pinaluwagan at pinalitan niya nang mas matibay na kahoy iyong hagdanan ng treehouse. Dahil kung hindi, mahihirapan si Derick sa pagbaba na karga-karga siya. May kataasan din yata ang treehouse nilang dalawa. Siya na yata ang pinakamasayang babae ngayon sa mundo. Here she is, beneath the strong arms of Derick. Nakasandal pa siya sa dibdib nito. She felt so vulnerable then that she wanted to cry. Ayaw niyang magsalita o magtanong man lang kung bakit ito nandito gayong ito pa nga ang dahilan kung bakit siya umalis dun sa sayawan. Hindi na rin ito nagsalita kahit nung makababa na sila at palabas na ng gubat. Hindi niya mahulaan ang nasa isip nito. Blangko ang ekspresyon ng mga mata at parang kay lalim ng iniisip. Diretso lang ito sa paglalakad at ingat na ingat sa pagkarga sa kanya. Inihaharang pa nito ang sarili sa mga sangang posibleng makakapit sa kanya. Lihim niyang naidasal na sana tumigil na sa pag-ikot ang mundo para ganito na lang sila palagi. “Menchie!” gulat na tawag sa kanya ng kanyang Yaya pagdating nila ni Derick. Nakaantabay lang ito sa labas ng kanina’y pinagdausan ng sayawan kasama ang ilang mga tagabaryo pati na rin ang kanyang Nanay Mariel. Parang nabunutan kaagad ng tinik ang mukha ng mga ito. “Naku saan ka ba nanggaling na bata ka? Pinakaba mo kaming lahat. Biro mong bigla ka na lang nawalang parang bula. Akala namin kinidnap ka na ng mga makukulit na talent scouts na iyon.” Naiiyak na sabi nito sa kanya. Lumapit agad ito hindi pa man siya nakakababa ng sasakyan. “Yaya talaga! Pumunta lang po ako sa treehouse. Ahm, ka-kasi naiwan ko pala dun iyong susi ng kotse pagluwas ko kahapon sa bayan. Pero hindi na ako nakabalik agad kasi naengganyo na ako sa paligid. Ang dami kasing bituin at ang lamig ng hangin.” Pagsisinungaling niya rito. Sana maniwala agad ang mga ito. Wala na siyang ibang maisip na gawing dahilan eh. “She had wounds in her legs!” walang emosyong sabad naman ni Derick sabay pihit nito sa kanya paharap kina Sally para ipakita ang mga daplis niyang sugat. Namumula na naman siya. Paano ba namang hindi, eh nakadaiti ang mga kamay ni Derick sa mga binti niya. Parang masusi nitong tinitingnan ang kanyang mga sugat. “Bakit ka ba nasugatan iha?” tanong naman agad ng kanyang Nanay Mariel. Derick meet her eyes. Nagririgodon na naman ang puso niya. “Ahm, naglakad lang po kasi ako papunta dun at hindi ko masyadong nakita iyong mga sangang nakakalat.” “Gamutin mo agad siya Sally ha! Hindi puwedeng masugatan ang mga modelo.” Dagdag pa nito. She stared at Derick. Wala pa rin siyang nasasalaming damdamin mula rito. Ni hindi nga magawang ngumiti, hindi tulad nung sa sayawan, na nakakatunaw iyong mga ngiti. Ano ka ba naman Menchie? Siyempre iba naman iyong sa sayawan. Kasama niya dun si Leslie kaya masaya siya. Pero ikaw ‘tong kasama niya bakit siya magiging masaya? Eh abot langit ang galit niyan sayo. Oo nga pala! Nasaktan yata siya sa naisip. Chapter 7 “Derick iho, gising ka na ba?” tawag ni Mariel sa anak. Tiningnan ni Derick ang orasan. Bahagya pa siyang nagtaka kung bakit napakaagang kumakatok ng kanyang ina. “Nandiyan na po Ma!” madali siyang bumangon at pinagbuksan ito. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas. “Sumunod ka na lang sa ibaba at may bisita ka.” Agap naman nitong sabi sa kanya. Pupungas-pungas pa siyang bumaba. Halos umaga na siyang nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari kagabi. Hindi mawala sa isip niya ang treehouse. Sa totoo lang, he was so shocked nang makita ito kagabi. Ang alam niya sira na ang treehouse nila ni Menchie. Nalaman na lang niyang ang dalaga pala mismo ang nagpaayos nun. He still can feel the familiar longing when he entered the treehouse after long long years. Napakaraming mga alaala ang nakapaloob dun. And he both feared and hate those memories. Seeing Menchie sleeping spontaneously make his heart ache. She looks so tired and hurt. He almost gave in to the urge of imprisoning her in his arms. He wanted to hug her so tight and force her to stay in his arms. Napailing siya sa naisip. Hindi siya dapat magpadala sa kanyang emosyon. He had cared for her too much, once in his life. But she just ruined him. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Bakit nga ba niya iniisip ang babaeng iyon? Binilisan niya ang pagbaba para makausap na niya agad ang bisita. Antok na antok pa siya at gustung-gusto pa niyang matulog. He almost missed one step of the stair nang mabungaran kung sino ang nakaupo sa sofa nila. It was Menchie sitting comfortably habang nagbabasa pa ng isang display magazine nila. What is she doing here? Biglang nawala ang antok niya at bumalik na naman sa isip ang mga bagay na nagpapagulo sa kanya. “What are you doing here?” he coldly asked while standing majestically in front of her. She looks so enticing in her floral spaghettie dress. He wondered kung may makikita pa ba siyang mas gaganda pa rito. “Ahm k-kasi, nag-nagluto ako ng caldereta. Naisip kitang dalhan.” Putol-putol na sagot nito. Why is she blushing? Parang bigla itong naging uncomfortable gayong parang at home na at home ito kanina. “I see.” Maikli niyang sagot. Katahimikan. “Anything else?” basag ni Derick sa katahimikan. Nakayuko na lang kasi si Menchie pero parang may gusto pang sabihin. “Ha,ah,ahm gusto ko sanang magpasalamat sa pagsundo mo sa akin sa treehouse.” Agad nitong sagot sa kanya. Ngumiti pa ito nang ubod tamis. “Well, im obliged to do that. Ayaw umuwi ng mga tagabaryo hangga’t hindi ka nakikita. So I presume, youve learned your lesson already. Hindi ka na bata Ms. Dominguez so please be responsible with your actions so you won’t be disturbing other people.” Walang gatol niyang komento rito. But for a moment parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi sa dalaga. Para kasi itong maiiyak sa tingin niya. Hindi na lang ito kumibo na parang inaamin nga ang kasalanan. “You see Ms. Dominguez, im still sleepy as hell! Kung wala ka ng kailangan, I want to go back to my room.” “Ahm, o sige, aalis na rin naman ako. Hinatid ko lang talaga iyong caldereta at nang makapagpasalamat na rin sayo.” Dinadaya ba siya ng paningin niya? May nasilayan ba siyang lungkot sa mga mata ng dalaga? Parang hirap na hirap ang kalooban nito. “Okay!” he muttered then turn his back Aalis na rin sana si Menchie nang biglang magsalita ulit si Derick. “Oh, by the way, its not really necessary for you to cook something for us or for me. But if youll insist, its up to you. Pero sana huwag na ulit akong gisingin just to be informed that you brought something. As ive said its not necessary.” Kaswal lang nitong sabi sa kanya tapos ay tuluyan nang tumalikod. Her tears dropped. He expected him to atleast say thank you or to give her a smile. Pero nakaistorbo pa pala siya rito. Nainis din siguro kasi ginising pa ito ng ina tapos hindi naman pala siya magsasalita. Yuko lang siya nang yuko. Paano pa siya makakapagsalita eh nakakaliyo ang itsura nito. Hindi nagsuot ng pang-itaas gayung alam naman niyang sobrang ganda ng katawan niya. Kasalanan bang matulala sa harap niya wherein he looks so devastating without his shirt? Pinipigil na nga lang niya ang sarili para huwag itong yakapin Linggo ng umaga. Magkasamang nagsimba sina Menchie at ang kanyang Yaya Sally. Hindi niya inaasahang magkikita pala sila ni Derick nang umagang iyon. Napatigil sila sa pagpasok sa simbahan nang tawagin sila ng kanyang Nanay Mariel. Lumundag yata ang puso niya sa excitement. Mamaya, pagkatapos ng “The Lord’s Prayer” she’ll ask him for “peace”. Tatabi siya rito sa pag-upo para makahingi na siya ng tawad dito. Baka sakaling magkasundo na sila. Iba yata kapag nasa simbahan. Pero parang binagsakan siya ng langit nang makitang magkasama pala sila ni Leslie. And there is his sweet smile. His right arm protecting Leslie. Leslie looks so stunning yet delicate in her well-fitted terno blouse and skirt. Napakasimple lang pero halatang-halata ang natural na ganda. She looks so contented and happy with Derick’s love. Sino ba naman ang hindi? Napabuntung hininga na lang siya as she endured the tingling ache deep in her heart. Hindi na siyempre matutuloy ang plano niyang pagtabi sa binata. Aasa na lang siya na bibigyan siya ng “peace” ng binata. Maalala pa kaya siya nito gayung parang wala na itong ibang nakikita kundi si Leslie. She would trade everything just to be with Leslie’s place. Hindi niya alam kanina pa pala siya tinitingnan ng kanyang Yaya. Lihim lang pala nitong pinag-aaralan ang kanyang mga reaksiyon. Malungkot na napailing si Sally sa nakikita sa dalaga. Ngayon alam na niya kung ano ang palaging nagpapagulo sa isip ng kanyang alaga. O mas tamang sabihing sino. Menchie blinked her eyes thrice to stop her tears from flowing. Tapos na nilang inawit ang “The Lord’s Prayer”. She turned to face him but he didn’t seem to notice her at all. Instead, he lovingly kissed Leslie’s forehead as a way of saying peace. She felt her heart throb. Nagseselos ba siya? Leslie is his girlfriend while she’s Derick’s bestfriend, well before. Bakit ba masyado siyang possessive? Naramdaman niyang hinagod siya ng kanyang Yaya sa likod. Tumingin siya rito. She almost broke nang makita ang pang-unawa sa mga mata nito. She flushed an awkward smile. Kilala talaga siya nito. Kahit di niya sabihin alam nito kung kelan naghihirap ang kalooban niya. Tahimik na lang siyang lumuhod at nagdasal. She prayed for more strength. Kailangan niya ngayon ng tatag ng loob. God! She’s so afraid! Takot na takot siya sa kanyang damdamin. She knew that something is wrong with her feelings. At hindi niya kayang harapin. Unti-unti na siyang natatalo. “Derick?” pukaw ni Leslie sa nobyo. “Hon,yes?” Kanina pa pala sila nakaupo ni Leslie sa batuhan ng ilog. Nang makapagpahinga sa batuhan, bigla na namang nanumbalik sa isip niya si Menchie. He just can’t help it. Para itong kapote ng buhay niya. A funny analogy but true. Bigla-bigla na lang susulpot at bigla ring mawawala. Ilang araw itong sunud nang sunod sa kanya pero ngayon kahit anino nito’y di na niya makita. And he’s happy that atlast she spared him already. Or is he really? Then why was he kept on wondering what is she doing now? “Ang lalim naman ng iniisip mo. Baka gusto mong sabihin sa akin ang laman nito?” lambing ni Leslie na bahagya pang menasahe ang ulo niya. “Nothing honey! Im just thinking of the future.” He spontaneously told her. Humarap siya sa nobya at pinakatitigan ito. Namula naman si Leslie. “Please don’t stare at me that way!” she blushed terribly and covered her face with her hands. Natatawang ginagap ni Derick ang mga kamay ng dalaga at nanggigigil na pinaghahalikan ang mga kamay nito. For 6 years they have been together happily and contentedly. Kahit pa nga hindi sila palaging nagkikita at kadalasan ay ito pa ang gumagawa ng paraan para kahit papaano’y magkausap sila. Everything seems to be okay when he’s with her. She’s serene and innocent. Unlike when he’s with….with Menchie. Everything seems to move upside down. Parang ang hirap kontrolin ng damdamin niya. He even had this tendency to lose himself in her. And most of all, he hates her so much but cares for her as well. He can’t deny it. Damn comparing the two. Theyre exactly different. “Halika na nga!” he teased then carried Leslie in the water. She bursted out laughing and giggling. Accidentally, Menchie silently witnessed the scene. Kanina pa kasi siya sa treehouse. Kasama niya si Menrick sa pangangabayo. Hindi niya akalaing nagpipicnic pala sina Derick at Leslie. Mapait siyang napangiti. She terribly missed Derick so much. Ilang araw na din siyang hindi nagpapakita rito. Kinailangan kasi muna niyang pag-aralan ang sarili. Unfortunately, she is inlove with Derick. Sa wakas, nabigyan din niya ng pangalan ang damdamin. Gusto niyang magtago at iwasan na lang ang nadarama. Pero lolokohin lang niyang sarili niya. Sinubukan na nga niyang tumakas diba? She hid herself for 11 years to save herself from her haunting past. To put a dot between her and Derick. But nothing has changed. Mas lalo lang pinamumukha sa kanya ng panahon kung gaano niya kamahal ang kababata. Mahal niya si Derick. Sobra. But he’s inlove with someone else. She quietly leave the place. She’s not a loser afterall, because she willingly accept the fact of loving him. She tearfully watched them again. A perfect example of a happy couple. “Hello.” Sagot ni Menchie sa telepono. “Iha Menchie! Mabuti naman at ikaw ang nakasagot.” sabi ng nasa kabilang linya. She happily smiled. It was her Nanay Mariel. “I miss you Nay!” malambing niyang sabi rito “Ganun nga ba iha? Bakit parang hindi ko yata nararamdaman. Kung hindi pa ako tumawag dito, di hindi pa tayo magkakausap. Hindi mo na ako binibisita ah.” Nagtatampo nitong litanya sa kanya. “Pasensiya na po kayo Nay. Marami po kasi akong inaasikaso.” Pagdadahilan niya rito. Pero ang totoo, tinuturuan lang niya ang sariling hawakan ang damdamin niya kay Derick. Napakahirap. Bago siya humarap dito, kailangan muna niyang gamutin ang sarili. “O sige na nga. Tutal magluluto na naman tayo ulit dito sa bahay”. “Ha?” maang niyang sagot “Eh kasi nasisiguro kong paghahandaan mo talaga ang birthday ni Mang Kaloy mo. Samakalawa na iyon iha!” balita nito sa kanya Excited siyang napatawa. Ilan na kaya ang edad ni Mang Kaloy? He has been so good to her simula pa noon. Para itong ang Tatay Rafael niya, ang ama ni Derick. “Talaga Tita? “ di - makapaniwala niyang tanong “Oo! So shall we have the plan now? But actually nakapamalengke na ako. Ang iisipin na lang natin ay kung paano lulutuin ang mga pinamili ko.” Napahagikhik siya sa sinabi nito. Talagang magkasundung-magkasundo sila sa pagluluto. Pareho silang mahilig mag-eksperimento sa kusina. Makakaya na kaya niyang harapin si Derick? Hindi muna. Saka na lang. “Ahm Nay para maiba naman tayo, ano kaya kung dito tayo magluto sa Villa. May ipapakita rin kasi ako sayong mga modern equipments sa pagluluto. I bought these from Europe and Malaysia as my collections. Mayroon din sa Turkey. Youll surely like it.” Engganyo niya rito na agad namang nagustuhan ag sinabi niya. Para pa ngang gustong - gusto na nitong pumunta sa Villa. Excited itong makita ang mga cooking equipments niya. Hindi pa talaga siya handa. Mahirap pilitin ang puso, mas lalong nagwawala. Chapter 8 They are all excited nang dumating ang araw na iyon. Gumawa sila ng malaking handaan. Pero wala talagang kaalam-alam si Mang Kaloy sa plano nila. Halatang gulat na gulat ito nang madatnan silang lahat sa bahay. Napaluha pa ito sa labis na tuwa. Lalo na nang makita ang mga anak nito. Ubod higpit siyang nitong niyakap. Simula kasi nang masawi sa sakit ang asawa nito ay mag-isa na nitong tinaguyod ang naiwang tatlong anak. Alam niyang namimiss na nito ang mga anak kaya tinawagan nila isa - isa ang mga ito. Pero hindi nila nakausap ang bunsong anak. Kakagraduate pa lang daw nito nung isang taon. He’s a seaman. Pero sa ibang bansa ito nadestino. Hindi katulad ng dalawang kapatid na sa Maynila lang nagtatrabaho kaya madaling kontakin. Pero sana’y makarating pa rin ang bunso. Sayang nga dahil iyong bunso pa naman ang nag-iisang anak na lalaki “Ikaw talagang bibong bata ka. Pinaiyak mo ako. Maraming salamat Senorita!” biro nito sa kanya pero agad ding nagseryoso. “Happy Birthday Mang Kaloy!” an electrifying voice spoke almost stirring her senses. Paano ba niya hindi makikilala ang boses na iyon eh parang nakamarka na iyon sa puso niya. “Derick, iho!” masaya namang baling ng may kaarawan sa binata. “Wala naman talaga sa plano ang iyakan! But still were glad you did.” He smiled sincerely and…god…so handsomely. God! Natutunaw na naman ang puso niya. She felt her defenses weakening. Alam naman niyang darating din ito. Naihanda na niya ang sarili. Pero parang isang ngiti lang nito, nawawalang parang bula lahat ng pagpipigil niya sa sarili. Inilipat niya sa ibang panig ang titig lalo na nang makitang nandun si Leslie. May humintong sasakyan. Napatingin silang lahat sa bagong dating. Dumating nga ang bunso anak. “Lance, anak!” parang di makapaniwalang tawag ni Mang Kaloy rito. They are all touched by the scene nang magyakap ang buong pamilya. Wala siya niyan! She may have all the convenience in life but she failed to have a very happy family. But still she loved her parents more than anything else kaya nga niya nagawang talikuran noon si Derick diba. At alam din naman niyang mahal na mahal siya ng mga magulang. Hindi niya namalayang naipinta pala sa mukha niya ang pait na iyon. Derick stared at Menchie so intently. She’s very vulnerable if her emotions are unguarded. Parang gusto niya itong aluin at payapain ang kalooban, tulad ng dati. Is she carrying a cross inside her? Medyo matagal din silang hindi nagkita. He can’t even explain his dissappointment nang malamang hindi pala sa mansiyon nila maghahanda sina Menchie. Gusto na nga niyang sumama sa Villa noon at magkunwaring tutulong. Is he missing her? Marahas siyang napabuntung hininga. He must be crazy! “Excuse me!” dinig niyang nagsalita sa kanyang likuran. Nasa labas kasi siya at nagpapahangin. She really can’t stand having Derick and Leslie near her. Pakiramdam niya ang liit-liit ng mundo para sa kanilang tatlo. Leslie is very nice to her. Likas naman talaga itong mabait. But she really can’t afford to be happy for them both. “Excuse me again!” the voice tried to catch her attention again. Then she turned. It was Lance! “Ate Menchie?” naniniguro nitong tanong Napangiti siya sa tinuran nito. Oo nga naman pala, pinipilit niya ito noon na tawagin siyang ate. Nakalaro na niya ito noon minsan. Isinama kasi ito ni Mang Kaloy noon sa Villa. Tuwang-tuwa pa nga siya dahil cute ito masyado. Kung bakit kasi wala siyang kapatid. Natatandaan niyang buong araw niyang hindi pinansin ang kanyang mga manika noon dahil may bago na siyang baby, si Lance. “Yup, its me “baby”! she said stressing “baby” as her endearment to him before. Para pa ngang gusto niya ulit pisilin ang cute nitong pisngi just like the old times. But she realized his face is now lean. At mas tamang sabihing lalaking - lalaki ang dating nito ngayon, simpatiko at malinis tingnan. Lumawak ang ngiti nito na nagpalabas sa mumunting mga dimples nito sa pisngi. He’s really cute. Ang tipong nakakakilig tingnan. Oh these seamen really! “Whew! Atlast Melanie Chelsea Dominguez, mas matangkad na ako sayo.” Tuwang-tuwa nitong sabi. Nawala yata bigla ang “ate” , naisip niya. “Ah ganun ha! Pilyo ka ring bata ka ano. Makikita mo iinumin ko iyong mga growth pills ko.” Sakay naman niya rito. Malaki nga talaga ang itinangkad nito. “Opps, sinong bata rito? Wala naman ah. Youre 26 but you look like 21 and im 21 but I look like 26. Perfect!” walang gatol nitong sabi. Napahagalpak na siya ng tawa rito. Naihahampas pa nga niya ang mga kamay dito habang patuloy ito sa pagpapakuwela. Kung saan-saan na nga ito tinatamaan. He’s very witty! And handsomely cute! Lingid sa kaalaman nila, may pares ng mga mata palang matiim na nakatunghay sa kanila habang nag-uusap. Alas tres na ng madaling-araw pero ayaw pa ring dalawin ng antok si Derick. May kung anu-anong gumugulo sa isip niya. Kanina pa nga siya umiinom. He is disturbed….mentally and emotionally. Kanina, hinanap niya si Menchie nang mawala ito sa paningin niya. Baka kasi nawawala na naman ito tulad nung sa sayawan. At baka kung saan na naman pumunta. He don’t want to see those little wounds again. Nag-alala pa naman talaga siya. Pero nandun lang pala sa labas at…masayang nakikipagkuwentuhan kay Lance. They seem to enjoy each other’s company. Right there and then parang gusto niyang hatakin palayo ang dalaga. At parang gusto niyang ihagis pabalik sa barko si Lance. Bakit pa ba sila nagkakilala? Ayaw niyang maging masaya si Menchie. But she looks very happy just awhile ago with Lance in her side. “You can’t be happy Menchie! And certainly not with Lance.” He cruelly murmured “Hi pretty!” sigaw ng paparating na si Lance sa kanya May usapan kasi silang mamasyal ni Lance sa gubat tapos ay sa buong San Gabriel. Magbabaon lang daw sila para hindi gutumin. Nagmayabang pa nga ito sa kanya na masarap daw itong magluto. Siyempre hindi siya naniwala. Paano naman magkakaroon ng panahong magluto ang isang seaman? He looked at her with admiration written all over his face. Bahagya siyang namula. Kinurot niya sa tagiliran si Lance paglapit nito. Kasi tinutudyo na siya ng mga kasambahay lalo na ang Yaya niya. “Ikaw talagang bata ka, kengkoy!” sabi niya ritong umirap pa kunwari Bigla naman itong natahimik. Napatingin naman siya agad dito. Baka na-offend niya sa description niyang kengkoy. “Lance…” pagpapaliwanag niya sana. “Im not angry.” Agap agad nito sa sasabihin niya sana. He looked at her so deeply na parang sinasalamin nito ang pagkatao niya. “I maybe always laughing Menchie but I really mean everything I say. When I say youre pretty, you are indeed pretty. When I say im not young anymore, its a way of saying I can be a sensible man.” He solemnly told her She’s speechless. His eyes seems to contain unprofessed emotions. And while looking in his eyes, she knew, that indeed he’s a sensible man. She managed to give a smile then spoke softly. “I know Lance!” Dinala ni Menchie si Lance sa treehouse. Halatang nagustuhan nito ang lugar. Doon na rin sila kumain. At talagang napabilib siya nito. Marunong pala talagang magluto. Tinikman niya lahat ng mga iniluto nito. At talagang wala siyang itulak kabigin sa mga ulam. Pawang masasarap. “You can be a good chef Lance!” komento niya habang kumakain “No Menchie! I can be a better husband.” Makahulugan nitong sabi. Naconscious naman siya bigla. “Find a wife then!” she suggested out of nowhere Nakita niyang napatigil ito sandali sa pagsubo “Yah I am on the process, that’s why im here now, in this river, in this treehouse, because my prospect is here.” He said without even glancing at her. Naubo siya sa tinuran nito. Napansin naman agad nito iyon. “Dahan-dahan ka kasi sa pagkain. Hindi naman natin iyan mauubos.” Puno ng pag-alalang saway nito sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod. Pinainom agad siya nito ng tubig. “Assuming ka naman kasi Menchie. Wala namang sinasabi iyong tao na ikaw nga iyong prospect niya.” Galit niyang sabi sa isip. “Derick iho?” gulat na tanong ni Mariel sa anak He seems to be very lonely. Malalim na ang gabi pero heto’t umiinom pa rin. Mabuti na lang naisipan niyang bumaba para kumuha ng tubig. “Ma, ba’t gising pa kayo. Gabi na.” He said authoritatively parang umaangal pa nga dahil hindi pa siya tulog. “Eh ba’t ikaw gising pa rin? At umiinom pa. Ilang gabi ka ng ganyan ah.” Medyo may diin na ring sagot niya “Nagpapaantok lang Ma.” Umupo si Mariel sa kaharap na upuan at tinitigan ang anak. He seem so desperate. At bilang ina ay nasasaktan siya sa nangyayari sa anak. Hindi naman niya alam kung paano ito tutulungan. She knows it’s Menchie. “There is something troubling you son!” she firmly commented “I beg your pardon Madam?” he joked as if nasa korte silang mag-ina “Ang sabi ko po Attorney Guevarra, malungkot kayo!” she continued making her point clearer. “Objection your honor, statement is vague!” he retorted “Ah okay. You want to hear it loud and clear Attorney? Well then, I shall say you are inlove! Desperately inlove”! “Complaints denied Madame Guevarra!” he answered sarcastically but with obvious pain in his eyes. “Really Attorney? Lawyers are really liars! Youre excellent in defending people attorney, but why can’t you defend yourself? You give justice to people but why can’t you give justice to yourself?” “Objection your honor, statement misleading!” he denied firmly “Kung mahal mo si Menchie sabihin mo sa kanya. Forgive her in betraying you before. Forget about the past. Why not try to listen to her? Im sure marami siyang gustong ipaliwanag. Why not listen to the other side of the story?” now she mellowly speak hoping he will understand. “Case Dismissed Madam Guevarra!” “Well then ikaw ang bahala! It’s your choice attorney. Sana lang hindi ka magsisi sa huli. At sana hindi pa maging huli ang lahat. Menchie is an irresistible suspect. Baka maipanalo na siya ng iba!” iyon lang at tumalikod na siya rito. Naiwan namang tulala si Derick. Damn! Nagpasyang maligo si Menchie sa ilog nang umagang iyon. Pinakain muna niya si Menrick sa may damuhan. Alas sais pa lang ng umaga. Kay sarap tingnan ng tubig. Parang inaanyayahan talaga siya. Magpapakasawa siya ngayon sa pagligo. Tatalon na sana siya nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. She almost jumped in fear. “Why did you share our treehouse with him?” galit na saad ng kung sino mang tao sa likod niya. Magagalit sana siya dahil sa panggugulat nito sa kanya. Pero….paano siya magagalit gayung si Derick pala ang nagsalita. Para na naman siyang sinabog sa kalawakan. Nawawala na naman siya lalo na’t napakaguwapo nito sa suot na sports attire. Parang kagagaling lang nitong magjogging. “D-derick!” “Sa akin at sayo lang ibinigay ng tatay ko ang treehouse Menchie. Wala kang karapatang magdala dun ng kahit na sino nang hindi nagpapaalam sa akin.” He angrily blurted “D-derick ano ba iyang sinasabi mo?” nahihintakutan na niyang tanong. Pero hindi siya sigurado kung kanino siya mas natatakot, kay Derick o sa sarili niya mismo. Paano ba naman, parang inuutusan na siya ng puso niya na maglambitin sa leeg nito. Naparalyzed naman yata ang utak niya. Hindi na kumikibo. “Don’t ever bring Lance or any of your man in our treehouse again Menchie! Sa atin lang dalawa iyon. Give due respect to the memories of that house. Hindi mo na nga dapat ipinaayos iyon eh. Hinayaan mo na lang sanang ang panahon na ang sumira nun.” Mahina pero maigting nitong sabi sa kanya Umigting naman ang mga tainga niya sa narinig. Umahon ang galit sa dibdib niya. “Hindi maaari Derick! Hindi ko hahayaang pati nag-iisang alaala ko sayo masisira lang din ng panahon katulad ng pagkakaibigan natin.” She painfully answer back Katahimikan. They just stood there staring at each other. Parehong pinapayapa ang nag-uumapaw na mga damdamin. They are both begging for control. Then Derick stepped forward coming closer to her. Hindi siya makakilos. Gusto niyang tumakbo at itago ang damdamin pero sobrang lapit na sa kanya ng kababata. He paused just a small step away from her. She could even hear his ragged breathing. “It’s not time who broke our friendship Menchie, its you, and it’s not fate who separate us apart, its you.” He achingly said. God if he could only tell her how much he suffered all because of her. “Im sorry Derick!” she softly spoke habang nag-uunahan ang kanyang mga luha. Derick immediately bridge the gap between them in a soul stirring kiss. Oh God! Niyakap siya nito nang ubod higpit na parang ayaw na siyang pakawalan pa. His lips hungrily settled on her own. She encircled her arms on his shoulders. Sa wakas natupad na rin iyong kanina pa niya gustong gawin. This is still her first kiss! The intensity of his kiss is so overwhelming that she wanted to cry. And it definitely sent her senses spiralling. She honestly had no intimate relationship wth anyone before. Masyado na siyang nadala sa kanyang emosyon. She has forgotten she’s standing in the edge of the riverbank. Humakbang pa ng isa si Derick to pull her even closer to his body. Nawalan siya ng panimbang kaya diretso silang dalawa sa tubig. Pareho silang nanumbalik sa realidad. They stared at each other for seconds gathering much effort to break the spell. Finally Derick moved away. “M-maligo ka na!” then he powerfully left na parang wala lang nangyari sa kanilang dalawa. But God it was the most beautiful experience she ever had! Derick kissed her! Nagsusumigaw yata ang puso niya. Chapter 9 Pagdating ni Derick sa mansiyon ay agad siyang sinalubong ni Leslie. Nandito pala ang babae. He had been so cold to her this past few days. “Derick!” tawag nito sa kanya “Leslie!” parang gulat na gulat pa niyang tugon “Let’s go out honey!” malambing nitong anyaya kahit parang galing lang nito sa pag-iyak. Pero ayaw niyang lumabas. Iyon ang pinakahuli niyang gustong gawin sa araw na ‘to. He’s very tired at gusto lang niyang magpahinga buong araw. He just wanted to lock himself in his room and reminisce the sweetest kiss he ever had in his whole life. “Les, can we just go out tomorrow? Im not in the mood. Masakit kasi ang ulo ko.” He rejected the invitation apologetically Bumakas agad ang lumbay sa mga mata nit...